- Ang aplikante ay dapat na lehitimong residente ng lalawigan ng Bulacan anumang kasarian, edad, estado, lahi, kultura at relihiyon;
- Ang aplikante ay kinakailangang mag-aaral sa mga otorisadong institusyon, paaralan, kolehiyo o unibersidad sa loob man o labas ng lalawigan;
- Ang iskolar o benepisyaryo ay dapat walang BAGSAK NA MARKA sa alinmang asignatura sa loob ng kanyang pag-aaral. Kasama na din dito ang hinde pagkakaroon ng INCOMPLETE GRADES o UNOFFICIALLY DROPPED na magiging batayan din upang otomatikong matanggal sa opisyal na talaan;
- Ang iskolar o benepisyaryo na nasa kategoryang Academic ay kinakailangan na hinde bababa sa 1.5 ang lahat ng subject. Gayundin, kinakailangang panatilihin ang GWA o gradong 1.5 o pataas (base sa sistema ng pagmamarka ng paaralan). Sa pagkakataon na ito ay bumaba sa 1.5, ito ay nangangahulugan ng otomatikong pagkatanggal sa opisyal na talaan.
- Ang aplikante ay sasailalim sa prosesong mayroon ang programa. Kinakailangan din na magsumite ng mga kaukulang dokumento kada semestre sa tanggapan ng programa.